BOYSEN CUP 1ST ED – LINE UP and STATUS of PLAYERS (as of Jan.20)
To All ABU members,
Maraming salamat po sa mga dumalo kagabi ng ating GMM/Drafting of Players sa Shakey’s Pizza Tomas Morato. Masaya naman po ang naging pagsasalo-salo at mga pag-uusap, bagamat may mga magkakaibigan na nagkaroon ng konting tampuhan sa kadahilanang katabi na sa upuan e hinde pa napili bilang kakampi sa team bagamat npakalalim at napakatalik na ng kanilang pagkakaibigan sa matagal ng panahon dito sa ABU. Kaya sa susunod Paolo Olan e First Round Pick pa lamang e piliin mo na agad si John “the smiling” Santiago, OK? joke lang po mga kapatid, hehehe…
Sa darating na sabado po Jan.23, 2010 magkakaroon po tayo ng scrimmage, as usual mula 7:00pm hanggang 9:00pm. Paki-usap lang po dun sa mga hinde pa nagbabayad e magbayad na po kayo sa darating na sabado upang sa opening day (Jan.30, 2010) e hinde na po tayo magkakagulo sa pagbabayad kasabay ng distribution ng uniforms. Sa pag-uutos po ng nakatataas hinde po ibibigay ang inyong uniform pag kayo ay hinde pa bayad so it means hinde rin kayo makalalaro sa official games sa nalalapit na tournament. May tatlong (3) officers po naka-assign sa collection ng payment at distribution ng uniforms. Two (2) teams po bawat isang officer, sa katauhan nila:
Joseph Gaytano – will collect payments & distribute uniforms for – TEAM 1 (Ross Reyes team) & TEAM 3 (Lester Ong team)
Kenneth Trinidad – will collect payments & distribute uniforms for – TEAM 5 (Epoy Del Rosario team) & TEAM 6 (Richard Ortiz team)
Neil Del Castillo - will collect payments & distribute uniforms for – TEAM 2 (Nat Francisco team) & TEAM 4 (Paolo Olan team)
Maraming salamat din po kay George Madrelejos sa kanyang pagbabayad ng Annual Fee for 2010 bagamat siya ay hinde maglalaro sa darating na tournament.
Paki-check lang po ang ATTACHEMENT para sa LINE-UP & STATUS OF PLAYERS
ang inyong lingkod,
PARAK





